2 days to go and my practice teaching is over! Yesss! Tapos na nga! At sobra akong excited na mag Monday. The second quarter will start in August 12. So may 5 days vacation pa kami. Ooops! Hindi pala vacation! Within those days ay gawaan ng mga requirements! Pero ako, maghahibernate. hibernate. hibernate. lol. Magbabawi talaga ako ng tulog.
This Monday back to PNU na ulit kami. I'm quite excited kasi miss ko na ang NormaL. Hmmmm.. Anu-ano nga ba ang mga namimiss ko sa skul?
- Miss ko na ang mga classmates ko. Sobrang may unity kasi ang section namin. Lagi kaming nagkakaisa. haha. Walang iwanan kahit sa kalokohan! lol.
- Miss ko ang gumising ng 4am ng madaling araw
- Miss ko na yung laging mahilig magpicture yung mga classmates ko na puro stolen shots.
- Miss ko na ang sumakay ng jip na ang laging kong mga kasabay ay mga etudyante ng TUP, Adamson, UP, at PWU.
- Miss ko na ang gumala sa Luneta, manood ng movie sa SM Manila, kumain sa Mcdo at KFC kasama ang mga classmates ko.
- Miss ko na yung tuwing break time lagi kaming natutulog sa library.
- Miss ko ng suotin ang white uniform ko.
- Miss ko na ang malawak na field ng Normal (grassland kung tawagin)
- Miss ko na ang building ng CED kung saan ang room namin ay laging may aircon.
- Miss ko na ang kumain sa Launchenet tuwing break time kasama ang mga friends ko.
- Miss ko na ang mga professors ko kahit yung iba sobrang perfectionist.
Miss ko na ang NormaL! See you on Monday PNU! :)

No comments:
Post a Comment