1. I-check muna ng mabuti ang gamit bago umalis ng bahay
Nagmamadali akong umalis ng bahay kaninang umaga. My class starts at 6:00am. 5:10 na paalis pa lang ako ng bahay. Nagmamadali kong nilagay ang payong ko sa loob ng bag. (I always bring my umbrella sa tuwing aalis ako.) Nagmamadali kong tinupi yung payong ko at nilagay sa pouch nito. Mga around 6:10am nasa skuL na ako. (I'm Late). After 5 hours, natapos na ang klase. Dahil sa ang mga kasama ko ay nasa CES, mag isa lang ako nag lunch. Sobrang mainit ng mga oras na to. Todo hanap ako sa bag ko ng payong. Pagbukas ko ng payong ko, KADIRI! may patay na ipis! Sobrang nagulat ako! buti na lang wala akong phobia sa ipis, at hindi nilanggam yung bag. Sobra talaga akong nandiri, sa pagmamadali kong itiklop yung payong kaninang umaga nasama yung ipis! Hahahaha!
2. Huwag magmadali kapag nagtataype
Marami na akong natype sa mga pinapagawa ng CT ko, pero dahil bukas na ito ipapasa kelangan ko ng matapos today, so nagpunta ako sa office para dun magtype. Ayun, pagsaksak ko ng USB ko my virus! I accidentally clicked the 'PRINTED' folder and yung 'move to chest'. So ayun! Nawala yung folder na ang file name ay 'printed', so therefore nawala rin yung mga detailed LP ko! Nagmamadali kasi ako that time because by 1pm kelangan ko ng umakyat sa room ng CT ko. Pero kahit na nadelete yung folder na yun, nakasave naman pala sa pc sa bahay yung mga natype ko (pero hindi lahat) :)
No comments:
Post a Comment