1. Pagod na ako. Lagi na lang ako over time sa skul. Ang tapos ng klase ko ay 11:30am. Naiinggit ako sa ibang mga classmates ko dahil after nilang magturo ay pwede na silang umuwi, samantalang ako, imbis na half day lang, laging nagiging whole day. Ang dami lagi pinapagawa ng CT ko sa'kin. Pag uwi ko sa bahay. Diretso agad ako sa kama ko para matulog. Halos nakakalimutan ko nga minsan na magbihis muna. haha. Natutulog ako ng naka uniform pa..
2. Nakakainis magkaroon ng prof na sobrang kuripot magbigay ng grade. Todo effort pa ako, pero sobrang hindi marunong mag appreciate ang Prof na to! Dahil dyan, ayoko ng mag effort!
3. One day before the demo teaching na may grade biglang pababago sa'yo yung visuals mo at papaulit sa'yo yung LP mo! Ang hirap kayang gawin. Cram ako lagi dahil ganito ang nangyayari. Sobra na akong nasstress. Hindi na nga ako tumataba, lalo pa akong nangangayayat.
4. Hindi ko maintindihan kung ano ba ang gustong ipagawa ng CT ko. Pabago bago siya, dahil dun paulit ulit ako sa mga ginagawa ko, mas lalo akong napapagod.
5. Tuwing sasakay na lang ako ng fx pauwi, hindi na bago sa'kin ang senaryo tulad nito, yung katabi ko lagi na lang inaantok, yung ulo laging bumbangga sa balikat ko. Hindi man lang marunong magsorry!
Nakakapagod at Nakakasawa na. Nasanay na ako na sa araw araw ganito yung nagyayari
No comments:
Post a Comment