Aug 4, 2011

Maraming Dahilan Para Maging Masaya

Lately, sobra akong nalulungkot at disappointed sa mga hindi magandang nangyari. Nag away kami ng friend ko (hindi ko akalain na ganun ang mganyayari sa'min, pero anyway, tapos na yun! (FORGIVE and FORGET). Sobrang hindi appreciative yung SC namin, kaya ayun, kahit anong gawin pageeffort wala pa rin nangyayari. (Ayaw ko ng mag effort kung laging ganito). Lagi akong sobrang pagod. Overtime lagi. Pero despite na ganito yung mga nangyari, para sa'kin marami pa ring mga dahilan para maging masaya. Sa tuwing naiisip ko ang mga bagay na to. Namomotivate ako!

  • Tinaasan na ni Papa ang allowance ko from P700 naging 1k per week na! (4 days lang naman ang pasok namin, so ayun nakakaipon na ako).
  • August na pala! Excited na ako para sa second date namin ng friend ko. Nagpromise kasi ako na ipapasyal ko siya sa PNU, Fort Santiago and Intramuros. (Wala akong boyfriend, but I'm dating with someone.).
  • I'm done with the initial and final demo teaching! Sobrang nakabawas to sa mga gawain!
  • Last day ko na bukas sa CES, our two months practice teaching is now over! sa Monday back to PNU na ulit kami! Yey! Namiss ko ang PNU!
  • Sobrang thankful ako kasi tinulungan ako ng CT ko sa case study! Nakabawas sa mga gagawin! Many thanks to my ever supportive CT!
  • Naadik na ako sa twitter, everyday nadadagdagan lagi ang mga followers ko! :)
  • Makakpaghibernate na ako this Saturday and Sunday! Dahil tapos na ang practice teaching!
  • I just met a guy na lagi akong pinapangiti! :)

----So ayun! Kahit na ang daming hindi magandang nangyari this past few weeks. Ok lang. FORGIVE and FORGET na nga! and ALWAYS LOOK ON THE BRIGHTER SIDE OF LIFE! good night guyz!

No comments:

Post a Comment