Nov 5, 2011

Hindi ko na Alam..

Magandang gabi sa lahat. Ngayon na lang ulit ako nakapagblog.

Gulong-gulo na talaga isip ko eh. Alam mo yun?? Yung tipong gusto mo pa ring maghold on kahit hindi ka na nya mahal. Gusto ko ng magmove on. Pero pano ba??

Sa araw-araw paggising sa umaga siya lagi yung unang taong naaalala ko. Ang hirap. Nasanay na ko na lagi siyang tinetext, ngayon HINDI KO ALAM KUNG PANO.. PANO SIYA KALIMUTAN. Sabi nila there's no such thing as forgetting only acceptance. O'nga naman, pero sa sitwasyon ko, mahirap tanggapin.

Sana dumating na ang araw na nakamove on na ko, yung tipong kahit na malaman ko na may iba na siyang mahal, hindi ako masasakatan, makakaya ko na siyang hindi itext, at hindi ko na siya maiisip lagi. Wala akong pinagsisisihan dahil ginawa ko lahat ang makakaya ko just to show my love for him. May mga tao pa lang ganun. Sa una lang mabait, pero pag matagal na, masama na sa'yo. Alam ko hindi pa ito ang huli dahil nagsisimula pa lang ulit ako. Kung hindi pa darating ang araw na nakamove on na ko, sana hindi ganun katagal, at sana habang tumatagal matutunann kong tanggapin ang lahat. Balang araw magmamahal ulit ako, at sisiguraduhin ko na iyon na si MR. RIGHT. Ang dami kong natutunan, and all the lessons that I've learned made me a better person. PRAY, PRAY, and PRAY.. TOMORROW IS ANOTHER DAY.. :))

No comments:

Post a Comment